Wednesday, March 4, 2009

Ewan ko na.

"How could you lose something you've never owned?"
- from some tv show. i forgot what. sorry. :)

Oo nga naman. Bakit mawawala ang isang bagay na hindi naman ni minsan naging sakin? Madaming beses na ako ay nasaktan dahil din naman sa sarili kong kagagawan. Hindi ko alam kung bakit lagi nalang ganito. Mahilig lang kasi ako mag-feeling siguro. Feeling ko ay pwede kami, kami na, o kaya naman ay naging kami dati. Tanga lang talaga?

Madali lang naman kung iisipin ko. Isa lamang itong pagpapanggap at sarili ko lang ang aking niloloko at pinahihirapan. Pero bakit ayaw ko pa din itong pakawalan? Nahihirapan ba ako o ayaw ko lang talaga?

Mahirap ipakita sa mundo na okay ako. Papasok ako sa umaga na parang walang nangyari noong nakaraang gabi. Haharap sa tao na parang walang mabigat na dinadala. Bihira na ako may makikita mo na umiiyak at nagdadrama sa labas ng bahay. Ayoko ipakita sa iba na nasasaktan ako. Lagi lang masaya at nagpapatawa.

Hindi lang ito ang unang pagkakataon na nangyari ito pero ibang klase ang nararamdaman ko ngayon. Mahirap ipaliwanag. Kahit ako ay hindi ko alam kung anong kabaliwan ang nangyayari sakin. Iba na talaga ang usapan kapag hindi na utak ang pinagagana. Mahirap pala.

Kapag depressed diba feeling mo na ikaw na ang pinaka-kawawang tao sa mundo. Pero ang totoo niyan ay may ibang tao pa na mas naghihirap sayo. Pero wala kang paki-alam dahil hindi na gumagana ng maayos ang isip mo.

Naisip ko lang kanina na siguro nga ay naghahanap na ako ulit ng taong maibibigay sakin ang mga maliliit na bagay na hinahanap ko. Yung alam ko na may taong umiisp at nagmamahal sakin. Na mapapantayan ang anumang kaya kong ibigay sa kanya.

Sana nga.

Sana.

No comments: