Thursday, February 5, 2009

Ano na ito?

Bakit ako nagkakaganito?
Ayoko na munang isipin pa.
Kung may dahilan man ay gusto kong ito ay malaman na.
Hindi ito pwede.
Hindi ito uubra.
Magkaiba kaming dalawa.
Ayokong mag-feeling dahil baka wala naman talaga.
Hindi ko na lalagyan ng kulay pa.
Alam ko namang napaka-imposible nitong mangyari.
Sa ngayon e natutuwa lang naman ako sa tuwing makikita siya.
Nakakaaliw lang dahil sa mga katangian niya na iba sa mga kasama niya.
Sana nga ay tama ako na hindi siya katulad nila.
Hindi naman ako naghahangad na maging kami pa.
Gusto ko lang na makita siyang maayos at masaya.

Alam kong korni ito pakinggan pero blog ko ito kaya wala ka nang magagawa pa.


Eto nga at tapos na.

(^_^)

1 comment:

Ciara Christia Infantado said...

nice. :D hahaha!!
may kulay na!!!!!!!!!!!!


hahaha! :p
nakakatawa kasi alam kong natatawa ka. (twit) so mejo natatwa din ako. pero alam ko kung san galing to, kaya hmmmmm. keri lang.

pero alam mo na ang sasabihin ko. :D hahaha!